4 na hinihinalaang gumagamit ng iligal na droga, arestado sa Rodriguez, Rizal

82

Kalaboso ang apat na katao matapos na magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit, Philippine Drug Enforcement Unit at Rizal Provincial Police Office sa Blk. 10 Lot 26, Juville 3, Sitio Laan, Brgy. Macabud, Rodriguez, Rizal.

Kinilala ang mga suspek na sina Nasrodin Acon y Tasil aka “Nash”, Lahmodin Abas y Balawag aka “Thoy”, Rose Rollo y Ostolano aka “Rose” at Joething Solaiman y Acon aka “Teng”.


Ayon kay Rizal Provincial Police Office P/Lt. Jackson Aguyen, nakumpiska sa mga suspek ang 14 pirasong transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, isang pirasong pouch, isang pirasong digital weighing scale, P500 bill na ginamit na mark money, P400 cash, isang colt caliber .45, anim na bala at isang pirasong standard magazine.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Republic Act 10951 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions ang isasampa kaso laban sa apat na suspek.

Facebook Comments