4 na kumpanyang dawit sa investment scam, sinuyod ng PNP

Hinalughog ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang apat na kumpanyang sangkot sa investment scam.

Ang mga ito ay: Organico, Regin-E, Adafarm at Ever Arm.

Karamihan sa mga operasyon ay sa Central Visayas, Eastern Visayas, Davao Region at Caraga Region.


Kaugnay nito, naglabas ng Memorandum Circular ang PNP na nagpapaalala sa mga pulis na huwag maging sangkot sa mga ganitong uri ng investment scheme.

Handa ang PNP na panagutin ang mga pulis na mapapatunayang may kaugnayan dito.

Facebook Comments