4 na laboratory sa bansa na magsisilbing COVID-19 testing center, inaprubahan na ng RITM

106

Inaprubahan na ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang apat na laboratory sa bansa na magsisilbing COVID-19 testing center.

Ayon kay Department of Health (DOH) Asec. Maria Rosario Vergeire, kabilang sa apat na laboratoryo na nabigyan ng full certification ang:


  • Baguio General Hospital and Medical Center
  • San Lazaro Hospital
  • Vicente Sotto Memorial Medical Center
  • Southern Philippines Medical Center

Nangangahulugan, aniya, ito na pwede nang magsagawa ang mga nabanggit na laboratoryo ng kanilang COVID-19 testing nang hindi na bini-beripika pa ng RITM.

Kasabay nito, sinabi ni Vergeire na asahan na ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa dahil dumarami na ang mga laboratoryo na maaring magsagawa at maglabas ng resulta.

Facebook Comments