4 na pulis Malabon na nahaharap sa kasong extortion, isinalang na sa inquest proceedings kanina

Manila, Philippines – Isinalang na kanina sa inquest proceedings ang apat na pulis-Malabon na humaharap sa reklamong kidnapping at robbery extortion.

Pawang mga nakatalaga sa anti-drugs operations ang mga pulis na kinilalang sina SPO2 Ricky Pelicano, PO2 Wilson Sanchez, PO1 Joselito Ereneo at PO1 Frances Camua na pawang mga nakatalaga sa anti-drugs operations.

Kasama rin sa ipinagharap ng reklamo ang pitong iba pang mga pulis na at large na sina SPO2 Gerry Dela Torre, PO3 Michael Angelo Diaz Solomon, PO3 Luis Tayo Hizon Jr, PO2 Michael Papa Huerto, PO1 Jovito Roque Jr., PO1 Ricky Alix Lamcen at PO3 Bernandino Pacoma.


Tatayong public complainant ang PNP-Counter Intelligence Task Force habang si State Prosecutor Susan Azarcon naman ang hahawak ng kaso.

Maalalang nahuli ang apat na pulis sa entrapment operations ng pnp Counter-Intelligence Task Force (CITF) at ang Northern Police District (NPD) matapos ang reklamo ng isang babaeng biktima na umano’y dinukot ng mga suspek sa Quezon City.
DZXL558

Facebook Comments