4 na sundalo patay, 17 sugatan sa dalawang pagsabog sa Jolo, Sulu

Kinumpirma ni Western Mindanao Command (WESMINCOM) Commander Maj. Gen. Corleto Vinluan na 4 na sundalo ang nasawi at 17 ang sugatan sa dalawang pagsabog na naganap sa Jolo, Sulu kaninang tanghali.

Aniya, alas-11:53 nangyari ang unang pagsabog sa Plaza Rizal sa tapat ng Paradise Food Shop sa Brgy. Walled City.

Makalipas ang mahigit isang oras, naganap ang pangalawang pagsabog sa harap ng DBP, 100 metro lang ang layo sa unang lugar ng pagsabog.


Sinabi ni Lt. Col. Ronaldo Mateo, tagapagsalita ng 11th Infantry Division, ang unang pagsabog ay isang IED na itinanim sa motorsiklo na pinarada sa likuran ng military truck, habang ang ikalawa ay sa lugar na maraming mga pulis.

Tinatayang humigit kumulang sa 20 sibilyan ang sugatan sa dalawang pagsabog.

Facebook Comments