4 na sundalo patay sa karambola ng mga sasakyan sa Paranas, Samar

151

Nasawi ang apat na sundalo matapos na masangkot sa aksidente ang kanilang sasakyan sa National Highway ng Barangay Apolonia Paranas, Samar kaninang umaga

Ayon kay PNP Region 8 Spokesperson Police Lt. Col Ma. Bella Rentuaya alas 9:00 ng umaga kanina nagkarambola ang isang wing van truck, hilux at tricycle sa National Highway ng Barangay Apolonia dahilan ng pagkamatay ng apat na sundalo.


Sakay ng kulay silver na Toyota Hilux na may plate nos. TU 0962 ang mga sundalo na minamaneho ng isang Seargent Sherwin Antonio na nasawi sa aksidente.

Nasawi rin ang mga pasahero nitong   sina SSgt Crisostomo Gabuay, SSgt. Romel G Ombrog, at 2Lt Charife Cabanog.

Ang mga nasawi ay mga miyembro ng Philippine Army.

Sugatan naman ang pitong iba pa na ngayon ay ginagamot sa Samar Provincial Hospital sa Catbalogan City.

Nagpa-patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa aksidente.

Facebook Comments

From Advertisers