4 na tagapakinig ng RMN DZXL 558 Radyo Trabaho, nanalo ng prepaid home WiFi!

35
WIFI WINNERS

Apat na listeners ng RMN RMN DZXL 558 Radyo Trabaho ang napanalunan nilang WiFi mula sa “WiFi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho” promo.

Ang mga anchors mismo ng programang “Laughter is the Best Magazine Show” ang naghatid sa kanilang mga bahay.

Ayon kay Rose Marie Gumbo ng Cembo, Makati City, nagpapasalamat siya sa RMN DZXL 558 Radyo Trabaho dahil may magagamit na ang kaniyang anak para sa nalalapit na pasukan.

Sa pag-o-online, class din gagamitin ng apo ni Lola Nora Gatchalian ng Muntinlupa City ang napanalunang WiFi.

Ayon naman kay Rocel Padilla Bergado ng Sta. Ana, Manila, ipapadala niya ang WiFi sa kaniyang kapatid na nasa Tuguegarao para may magamit sa pag-aaral.

Lubos din ang tuwang nararamdaman ni Klyde Raetrell Nacua ng Marulas, Valenzuela City, dahil saktong nangangailangan siya ngayon ng WiFi.

Ayon kay Klyde, gagamitin niya ito sa pag-aaral at sa pagsa-sideline sa pag-e-edit ng mga video at audio.




Kwento pa ni Nacua, lagi siyang nanonood sa pamamagitan ng live streaming ng RMN DZXL 558 Radyo Trabaho, dahil pangarap niyang maging Radio Broadcaster.

Samantala sa mga nais sumali sa promo at manalo ng WiFi , palagiang tumutok sa mga programa ng RMN DZXL 558 Radyo Trabaho, o maaaring tumawag sa hotline 882 -2376 o mag-comment sa Facebook page ng RMN DZXL 558 Radyo Trabaho at sundin ang mga mechanics.

Facebook Comments