4 na umano’y drug pusher sa Marikina City, arestado sa buy-bust operation

38

Timbog ang apat na umano ay tulak ng droga sa Marikina City matapos isagawa ang buy-bust operation ng mga pulis laban sa mga suspek.

Nakilala ang umano ay drug pusher na sina Paulino Cabusca Supnet, alyas Jon Jon, 46- anyos; William Leoncito Tanao Jr alyas Nong Nong, 40-anyos; Jack Estilore Dela Paz alyas Jack, 42-anyos; at ang nagiisang babaeng suspek na si Lea Nicol Jolo alyas Lea, 43-anyos.


Narekober mula sa mga suspek ang 8 grams ng shabu na may katumbas na halaga na P54,400.00 at P1,000.00 na ginamit bilang buy bust money.

Batay sa ulat ng Marikina PNP, isinagawa ang nasabing operasyon alas-5:55 kahapon ng hapon sa Raja Soliman St., Barangay Parang, ng nasabing lungsod.

Nahaharap ang ng suspek sa kasong paglabag sa Republic Act of 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments