4 patay, 9 kritikal sa pagtagilid ng Truck sa Sarangani

67

General Santos City—Apat ang patay, siyam ang kritikal habang 13 naman ang nagtamo ng minor injury matapos tumagilid ang isang Fuso Truck sa Sitio Buayan, Malandag, Malungon, Sarangani Province.

Kinilala ang mga nasawi na sina Laureto Villanueva, 50, Cristoto Fernandez, 61, Joan Montesino, at Sergio Hemoros, pawang residenti ng Kiblawan, Davao Del Sur.

Sa initial investigation ng Malungon, Municipal Police Station napag-alaman na galing ng Kiblawan ang mga biktima at papunta sana ng barangay Cablacan, Maasim, Sarangani Province para dumalo sa kasal ng isang Joel Peras, pero pagdating ng Sitio Buayan biglang nawalan ng preno ang kanilang sinasakyan kaya ito ay tumagilid.

Dahil sa lakas ng Impact, tumilapon ang karamihan sa mga biktima.

Apat ang idiniklarang dead on arrival sa Malungon Municipal Hospital Habang ang ibang biktima naman ay dinala sa magkaibang hospital dito sa Gensan.

Tumakas naman ang driver ng Fuso Truck na si Alias Bebeng Paciawan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang ginagawang imbistigasyon ng Pulisya hinggil sa nasabing Aksidente.

Facebook Comments