4 sa 9 na mangingisdang nawawala sa Iloilo, natagpuan na ng PCG

Natagpuan na ng Philippine Coast Guard (PCG) Search and Rescue/Retrieval Operations ang apat sa siyam na mangingisdang nawawala.

Ito ay matapos lumubog nitong September 24 ang isang fishing vessel sa karagatang sakop ng Tanguingui Island sa Northern Cebu at Gigantes Island sa Iloilo.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, kinilala ang mangingisdang nasawi na sina; Norberto Parlotzo; Piscador Rommel Engle; Piscador Julit Salvo; at isang hindi pa nakilalang mangingisda ng FB St. Peter The Fisherman II.


Nagpapatulong naman ang Search and Rescue Operations sa iba pang nawawalang mangingisda kabilang sina:

1) Frankie Chavez
2) Renante Forsuelo
3) Herminio Ronamo
4) Julian Dungog
5) Manuel Auditor

Facebook Comments