4 sa kada 10 botante, mayroong kumpletong top 12 senatorial candidates – Pulse Asia

Manila, Philippines -Apat sa bawat 10 botante ay may napipisil ng 12 senatorial candidates na kanilang iboboto sa darating na May 13 midterm elections.

Base sa survey ng Pulse Asia na isinagawa mula March 23 hanggang 27, nasa 42% ng mga rehistradong botante ang mayroong “magic 12”.

Ayon kay Pulse Asia President Professor Ronald Holmes – pangkaraniwan na kasi sa mga Pilipino na hindi kinukumpleto ‘yung 12 senador na kanilang iboboto.


Aniya, kapansin-pansin din ito maging sa lokal na halalan.

Dagdag pa ni Holmes – ang mga respondent ay may absolute average na siyam na kandidato lamang.

Facebook Comments