40 misa, idaraos sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa 40 days ng pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Aquino III

Magdaraos ng 40 na misa sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang alalahanin ang 40 days o ika-40 na araw ng pagkamatay ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon kay dating Senador Bam Aquino, gaganapin ang mga misa sa August 1 upang pagsabayin na rin ang ika-12 na anibersayo ng pagkamatay naman ng kaniyang ina na si dating Pangulong Cory Aquino.

Samantala, physical mass naman idaraos sa mga lugar na walang restriksyon ngunit nakasunod naman ito sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) guidelines.


Facebook Comments