40% ng mga miyembro ng NPA, bakla – PRRD

169

Nagbiro si Pangulong Rodrigo Duterte na minolestiya ng ilang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang kanyang anak na si Sebastian o “Baste”.

Ayon sa Pangulo – nangyari ito nang i-turn over ng mga rebelde kay Baste ang mga binihag nilang sundalo sa Agusan del Sur.

Bunga nito, naniniwala si Pangulong Duterte na 40% ng NPA members ay mga bading.

Tugon naman ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison, malinaw lamang na imbento ang kwento ng Pangulo.

Ayon kay Sison may mahigpit na panuntunan ang NPA laban sa pangmomolestiya.

Hindi rin aniya kapani-paniwala ang sinabi ng Pangulo na may ilang miyembro ng NPA ang bakla dahil hindi matunton ng mga sundalo ang mga libu-libong rebelde.

Facebook Comments