
Nakinabang ang 40 pasyente sa huling isinagawang Dental Outreach Program ng City Health Office sa San Carlos City bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Oral Health Month.
Isinagawa ang dental mission ng Dental Division sa Barangay Talang noong Pebrero 27, 2026, kung saan nagpa-checkup at nagpatanggal ng ngipin ang mga pasyente sa loob ng Dental Bus.
Bahagi ang aktibidad ng mga hakbang ng lungsod upang mapalawak ang serbisyong pangkalusugan, lalo na sa pangangalaga ng kalusugan ng ngipin at bibig ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






