400 pang miyembro ng Maute Group, sinasagupa ng militar sa Marawi City

Manila, Philippines – Nasa 400 na miyembro pa ng Maute Group ang sinasagupa ng militar sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Eduardo Año, 200 sa mga ito ay mga Maranao at 50 ay mga Yakan na galing mismo kay Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon.

Aniya, naniniwala silang nasa Marawi City pa rin sina Hapilon at ang Maute brothers.


Patuloy rin aniya nilang bineberipika kung napatay na nga ang magkapatid na sina Omar at Matti Maute.

Pero natitiyak aniya nilang tinamaan ng bala ng baril sa kamay si Omar.

Bukod rito, may impormasyon rin anila silang may koneksyon ang Maute Group at si Hapilon sa pinuno ng ISIS na si kay Abu Bakr Al-Baghdadi.
DZXL558

Facebook Comments