400 Pilipino, nakatakdang umuwi ng bansa mula Lebanon

42

Aabot sa 400 Pilipino ang nakatakdang umuwi sa Pilipinas matapos ang pagsabog sa Beirut, Lebanon noong August 4, 2020.


Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Sarah Lou Arriola, nakatakda ang chartered flight sa August 16, 2020.

Aniya, ang chartered flight ang kongkreto, mabilis at napapanahon para matulungan ang mga kababayan nating naapektuhan ng pagsabog.

Simula noong Disyembre 2019, nakapagpauwi na ang DFA ng 1,508 Pilipino mula Lebanon.

Facebook Comments