41K NAITALANG TOURIST ARRIVAL SA SAN NICOLAS NITONG HOLY WEEK

Pumalo sa 41,785 ang naitalang bilang ng mga bumisita sa mga pook pasyalan ng bayan ng San Nicolas nitong Holy Week.

Ayon sa inilabas na datos ng Municipal Tourism, Culture, and Arts Office, 224.70% umano ang itinaas na porsyento ng mga bumisita sa kanilang pook pasyalan kumpara noong nakaraang taon na umabot sa 12,866 arrivals.

Ilan sa mga dinarayong pook pasyalan sa bayan ay ang ang Agpay Eco Park, Puyao River Picnic Grounds, at Malico, ang Little Baguio ng Pangasinan.

Malaking bahagi umano ito dahil isa ito sa patuloy na magbibigay ng oportunidad sa mga komunidad sa bayan upang lalo pang maiangat ang pangkabuhayan at maging ang kanilang turismo.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments