42, arestado sa Cavite sa ikinasang magkakahiwalay na operasyon

58

Kalaboso ang 42 individuals makaraang maaresto sa pinaigting na isinagawang anti-criminality operations sa magkahiwalay na lugar sa Cavite.

Ayon sa Facebook Page ng Cavite PIO, unang inaresto ang 25 mga gumagamit ng iligal na droga kung saan nakumpiskahan ng 46 plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu at ilang mga drug paraphernalia.

Paliwanag ng Cavite PNP, maliban sa iligal na droga, naaresto rin ang 12 mga personalidad sa puspusang kampanya laban sa illegal gamblings matapos mahuling naglalaro ng pusoy, tong it’s at Cara y Cruz habang 4 naman ang nadakip na pawang mga wanted person na naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa bayan ng Carmona, Cavite at isa naman ang naaresto sa kasong physical injury sa Cavite.


Giit ng Cavite PNP, magtutuloy-tuloy ang kanilang kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad at sugal sa naturang lalawigan.

Facebook Comments