42 manggagawa ng MRT-3 nagpositibo sa COVID-19

27

Inilagay sa “enhanced access control” ang depot ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Quezon City mula noong nakaraang linggo matapos magpositibo sa COVID-19 ang 42 empleyado nito at isa na ang nasawi.

Mula sa nasabing bilang, 36 ay office personnel habang anim ay maintenance workers ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.


Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nagsasagawa na sila ng contact tracing at mass swab testing sa mga empleyado nito.

Ang lahat ng nagpositibong tauhan ng MRT-3 ay inilagay na sa quarantine.

Pagtitiyak ng DOTr na ligtas pa ring sumakay ang publiko sa MRT at magpapatuloy ang operasyon ng linya ng tren habang tinitiyak ang pagtalima sa health at safety protocols sa lahat ng mga istasyon.

Facebook Comments