42 pulis nadagdag sa bilang ng mga positibo sa COVID-19

37

Panibagong 42 na pulis ang nadagdag sa bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 kaya naman umabot na sa 7,734 ang kabuuang bilang ng COVID cases sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa ulat PNP Health Service, 16 bagong kaso ang naitala sa PNP Region 11, pito sa PNP Cordillera, lima sa National Operation Support Unit, apat sa PNP Region 13, dalawa sa PNP Region 3, at tig-isa sa National Administrative Support Unit, National Capital Region Police Office (NCRPO), PNP Regions 1, 4A, 5, 8, 9 at PNP Region 10.


Good news naman dahil may 33 mga pulis ang gumaling na sa COVID-19, kaya mayroon nang kabuoang 7,293 police personnel ang gumaling.

Nanatili naman 24 ang nasawing pulis dahil sa COVID-19.

Facebook Comments