43 na mga paliparan sa bansa, nagbukas na sa commercial flights

135

Umabot na sa 43 paliparan sa bansa ang nag-operate para sa commercial flights.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), naglabas na ng order category ang ilang LGUs na sumusuporta sa muling pagbubukas ng commercial flights sa mga paliparan sa kani-kanilang nasasakupan.


Subalit, kaakibat pa rin nito ang pagpapatupad ng health standard protocols sa lahat ng pasaherong sasakay ng eroplano.

Kabilang dito ang mga pasaherong palabas ng bansa para sa international airports at sa mga uuwi sa kanilang mga lalawigan.

Facebook Comments