43 Senior Officials ng PhilHealth, nagbitiw o nagretiro

41

Umabot sa 43 senior officials ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang nagsumite ng kanilang courtesy resignations o kaya naman ay nagretiro.

Sa statement, mula nitong October 8, 2020 ay aabot na sa 43 senior officers ang tumugon sa September 30 memo ni PhilHealth President and Chief Executive Officer Dante Gierran na nagpapatupad ng 2018 Board Resolution kung saan inaatasan ang lahat ng senior officers na may Salary Grade 26 at pataas na magpasa ng kanilang courtesy resignations.

Ayon sa PhilHealth, nasa 27 official mula sa central at regional offices ang nagpasa ng kanilang courtesy resignations, habang 16 officials ang nagretiro.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang ahensya at mabigyan ng ahensya ng bagong simula.

Una nang inihayag ni Pangulong Duterte na nais niyang buwagin o isapribado ang state health insurer para matugunan ang problema ng korapsyon.

Facebook Comments