Hired on the spot ang nasa apatnaput apat na aplikante na nagbakasali sa isinagawang Hundred Islands Job Fair sa Alaminos City.
Daang daang aplikante rin ang nakilahok at nag-apply sa mga nakalatag na trabahong maaaring pasukin.
Nasa higit tatlong libong bakanteng trabaho ang inialok mula sa labing dalawang lokal na kompanya at dalawang overseas recruitment agencies.
Kasabay nito ay mayroon ding serbisyong hatid ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng SSS, Philhealth, at Pag-ibig fund.
Sa pamamagitan ng mga job fair tulad nito ay makatutulong na makapagbukas pa ng mas malawak na oportunidad para sa mga residenteng nais na makapaghanap ng trabaho. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments