44th Provincial Meet ng North Cotabato pormal ng sinimulan

*AMAS, Kidapawan City * – Pormal ng binuksan ang ika 44 na Provincial Meet ng Cotabato Province sa Provincial Capitol Sports Complex noong Aug. 20, 2017.

Pinangunahan nina Cot Gov Emmylou “Lala” J . Talino-Mendoza at Cot Schools Division Superintendent Omar Obas ang pagbubukas ng naturang palaro kasama sina 3rd District of Cot Representative Jose “Ping” Tejada at iba pang opisyal.

Nagmula sa iba’t-ibang pampubliko at pribadong High Schools at Colleges ang mga atletang maghaharap sa provincial meet kung saan tampok ang ball games, athletics at iba pang sports.


Bahagi rin ng pagdiriwang ng 103rd Founding Anniversary ng Cotabato at 7th Kalivungan Festival ang aktibidad kung saan naglalayong palakasin pa ang sportsmanship at camaraderie ng mga manlalarong kabataan at maging ng kanilang mga coaches.

Tema ng 44th Provincial Meet ay “Converges Youth Power, Builds Sustainable Future”. *(JIMMY STA. CRUZ-PGO IDCD/Media Center)*

Facebook Comments