45 anyos na lalaki arestado sa pagbebenta ng tingi-tinging gasolina

13

Nabas, Aklan – Arestado ang isang lalaki kahapon ng hapon dahil sa pagbebenta ng tingi-tinging gasolina sa Brgy. Laserna, Nabas, Aklan. Ang nasabing lalaki ay nakilalang si Allan Jadia, at residente ng nasabing lugar. Base sa report ng Nabas PNP nagsagawa sila ng entrapment operation matapos na makatanggap ng report na nagtitinda ng tingi-tinging gasolina ang nasabing lalaki. Dalawang pulis ang nagpanggap na bibili na bibili ng 10 litro na gasolina at binigyan naman ito ni Jadia kapalit ng Php 600.00 na marked money. Doon na nagpakilala ang dalawa na sila ay pulis at hinanapan ng permit si Jadia sa pagbebenta ng gasolina pero wala itong ma-ipakita dahilan para siya ay arestuhin. Narekober ng mga pulis ang 4 na container na puno ng gasolina, 1 container na may bawas na at 9 na malaki at 13 na maliliit na boteng may lamang gasolina. Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng nabas PNP si Jadia at nakatakda namang sampahan ng kasong pag abag sa PD 1865 o illegal Trading of Petroleum Products ngayong araw.

Facebook Comments