45 bedridden senior citizens, nabakunahan sa Navotas City

Aabot sa 45 bedridden senior citizens ang binisita at nabakunahan na ng COVID-19 vaccines sa Navotas City.

Ito ay matapos simulan nitong nakaraang Huwebes ng lokal na pamahalaan ang inoculation para sa mga bedridden na residente.

Ang mga bedridden senior citizens na nabigyan na ng unang dose ng bakuna sa mismong kanilang tahanan ay mula sa Barangay Tangos North at South.


Ayon kay Mayor Toby Tiangco, pinalawig pa nila ang vaccination program sa mga bedridden Navoteños upang matiyak na sila ay protektado laban sa nakamamatay na coronavirus disease.

Samantala, sinimulan na rin ng Navotas ang bakunahan sa A5 category o iyong mga kabilang sa indigent population.

Aabot naman sa 160 na myembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang naturukan ng Pfizer vaccine sa Tumana Health Center.

Facebook Comments