45-day Criminal Investigation Course, sinimulan na ng Las Piñas City Police Station

49

Pormal nang binuksan ng Philippine National Police (PNP) ang 45 araw na Criminal Investigation Course (CIC) ng Las Piñas City Police Station sa ilalim ng liderato ni Colonel Rodel Pastor.

Ang simpleng seremonya ay ginanap sa session hall ng Las Piñas City Hall kung saan panauhing pandangal si Vice Mayor April Aguilar-Nery.


Sa kanyang talumpati ay binigyang-diin ni Vice Mayor Nery ang napakahalagang kontribusyon ng mga pulis sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa mga nasasakupang lugar ng lungsod.

Ayon kay Neri ang kaayusan at katahimikan ay kabilang sa mga pangunahing prayoridad ng Las Piñas City Government upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga residente kontra kriminalidad.

Umabot sa 49 pulis ang kalahok sa CIC na layung mapagbuti pa ang kanilang kapabilidad at kakayahan tungo sa masusing pagsisiyasat o pag-iimbestiga at pagresolba ng mga kasong maidudulog sa tanggapan ng Las Piñas City Police.

Facebook Comments