45, Dinampot Sa Oplan Galugad Ng Qcpd Sa Payatas – Lima, Arestado Sa Drug Den Sa Qc

17

MANILA – Apatnapu’t limang (45) katao ang pinagdadampot ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa oplan galugad nito sa Payatas-A.Isinailalim sa drug test ang mga ito kung saan 11 lalaki at isang babae ang nagpositibo.Muling isinailalim sa confirmatory test ang mga nagpositibo habang pinayagan namang makauwi ang iba matapos maisailalim sa profiling ng pulisya.Samantala sa hiwalay na operasyon ng district anti-illegal drugs ng QCPD, limang lalaki ang arestado sa isang hinihinalang drug den sa SSS Village, North Fairview.Huli sa aktong paggamit ng shabu ang mga suspek na sina Louie Canapi, Marlon Aldeo at magkakapatid na sina Anthony, Raymond at Ronald Lozano.

Facebook Comments