45 Weighing Scales, Sumailalim sa Accuracy Test kasabay ng “Operation Timbangan” sa Alicia Public Market

23
Cauayan City, Isabela- Isinailalim sa pagsusuri ang 45 weighing scales para sa ‘accuracy’ kasabay ng ginawang “Operation Timbangan” ng DTI R2 Isabela Consumer Protection Division (CPD) katuwang ang Local Government (LGU) Alicia at Negosyo Center Alicia sa Public Market, Alicia, Isabela.

Ayon sa DTI Isabela, limang timbangan ang nasuri na at ipinasakamay sa LGU para sa gagawing calibration

Pagkatapos, hinikayat ng ahensya ang Alicia Price Coordinating Council para ipaalam ang key components ng RA 7581 o ang Price Act, kabilang ang council’s powers, functions, and responsibilities.

Matagumpay naman na pinulong ng DTI ang 17 LPCCs sa probinsya at planong lumikha ng higit pa upang palawakin ang mga programa para sa mga consumer nito at mas mahusay na kumakatawan at magsusulong ng mga interes ng mamimili

Facebook Comments