
XHuli ang nasa mahigit 400 indibidwal, matapos ang pagsalakay sa isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa isang gusali sa harap ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa lungsod ng Parañaque kagabi.
Karamihan sa mga nadakip na indibidwal ay mga Pilipino.
Nasakote rin sa operasyon ang mga dayuhang Chinese, Vietnamese, Thais, Malaysians, Indonesian, at Taiwanese.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nag-ooperate umano ang nasabing POGO bilang investment scam at sugal o tinatawag na sport betting scam.
Dagdag pa rito, target ng mga ito ay mga dayuhang Chinese at Indians.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsamang pwersa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), Department of Justice-Office of Cybercrime (DOJ-OOC), Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division, Southern Police District, at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa tulong ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).