46 Immigration personnel, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na 46 sa kanilang mga empleyado ang nagpositibo sa COVID-19.

Nilinaw naman ni BI Commissioner Jaime Morente na sa naturang bilang isa lamang ang naka-confine sa ospital.

Siyam aniya sa mga ito ang naka-recover na habang ang 37 ay nasa government-accredited quarantine facilities.


Kalahati aniya ng mga nagpositibo ay nakatalaga sa BI main office sa Intramuros, Manila.

Habang ang iba pa ay mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Cebu, at sa satellite at extension offices ng BI sa Metro Manila, at iba pang bahagi ng bansa.

Facebook Comments