48 na lugar sa QC, inilagay sa special concern lockdown

Umabot sa 48 na mga lugar sa Quezon City ang isinailalim ngayon sa 14-days special concern lockdown.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan nadagdagan pa ng walong bagong lugar na naka-lockdown sa lungsod.

Ang mga Authorized Person Outside of Residence o APOR na gustong lumabas para magtrabaho ay papayagang umalis pero makakabalik lamang ito sa kanilang bahay pagkatapos ng lockdown at dapat may negative swab test result bago makauwi.


Sa ngayon ay may 5,539 COVID-19 active cases ang Quezon City habang umaabot na sa 1.8 milyon katao ang nabakunahan.

Facebook Comments