48 police personnel, nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa COVID-19

30

Panibagong 48 mga police personnel ang gumaling dahil sa COVID-19.

Ito ang iniulat kahapon ng Philippine National Police (PNP) Health Service kaya umabot na sa 6,789 ang recoveries sa hanay ng PNP.


Mayroong 22 na panibagong kaso ng COVID-19 na naitala kahapon ang PNP Health service kaya umabot na sa kabuuang 7,300 ang kaso ng COVID-19 sa PNP.

Sa bilang, tig-5 naitala sa Police Regional Office o PRO 8 at PRO 13, tig-dalawa sa National Operation Support Unit, National Capital Region Police Office (NCRPO), PRO 4A at PRO BAR.

Tig-iisa naman ang panibagong positibo naitala sa PRO 1, PRO 3, PRO 7 at PRO COR.

Nananatili naman sa 23 ang nasawi dahil sa COVID-19 sa hanay ng PNP.




Facebook Comments