49 COVID-19 Patients sa Cagayan Valley, Gumaling na

24

Cauayan City, Isabela- Nakarekober na sa sakit na COVID-19 ang 49 na nagpositibo sa virus habang nakapagtala naman ng 12 na panibagong kaso sa buong lambak ng Cagayan.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2, mula sa bilang na 49 na karagdagang bilang ng mga gumaling sa COVID-19, labing tatlo (13) ang galing sa probinsya ng Cagayan, dalawampu’t walo (28) sa Isabela, pito (7) sa Santiago City at isa (1) sa Nueva Vizcaya.


Ang labing dalawa (12) namang new positive cases ay dalawa (2) ang naitala sa Cagayan, pito (7) sa Isabela at tatlo (3) sa Santiago City.

Umaabot naman sa 3, 031 ang total confirmed cases sa rehiyon, 322 ang active cases, 2,554 ang recovered cases at 45 ang death cases.

Facebook Comments