
Susuportahan pa rin ng pamahalaan ang mga 4Ps graduate para maging produktibong parte ng lipunan.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bagama’t gumanda ang sitwasyon sa buhay, at hindi na nangangailangan ng tulong mula sa DSWD, ang iba sa 4Ps graduates ay kailangan pa rin ng tulong tulad ng paghahanap ng trabaho.
Dito aniya papasok ang Trabaho Para sa Bagong Pilipinas, upang ilapit ang mga oportunidad, pagkakakitaan, at bakanteng pwesto para sa mga ito.
Sa job fair na ito, maaari na ring kumuha ng mga requirement na kakailanganin para sa paga-apply ng trabaho.
Kahapon, tinatayang nasa 3,000 miyembro ng 4Ps, ang grumaduate sa Dumaguete, Negros Oriental.
Bukod pa ito sa 3,000 grumaduate sa Davao del Norte noong nakaraang linggo.
Facebook Comments