4T STRATEGY KONTRA DENGUE AT W. I. L. D. DISEASES NGAYONG TAG-ULAN, IGINIIT NG DOH

Iginiit ng Department of Health Region 1 ang mas masigasig na pagtalima ng publiko sa iba’t-ibang paraan upang makaiwas sa mga W. I. L. D o ang Waterborne Diseases, Influenza-like Illnesses, Leptospirosis at Dengue ngayong panahon ng tag-ulan.
Ayon sa tanggapan, isa sa mabisang hakbang ang 4T o Taob, Taktak, Tuyo at Takip sa mga posibleng pamugaran ng lamok maging ang pagpapakonsulta kapag nakararanas ng sintomas ng anumang sakit.
Base sa datos, simula Enero hanggang Mayo ngayong taon, nakapagtala ng 21,010 kaso ng waterborne diseases; 59, 925 kaso ng Influenza; 1, 909 kaso ng Leptospirosis ; at 116,243 kaso ng Dengue sa bansa.
Inaasahan pa ang pagtaas sa bilang ng kaso ng mga naturang sakit ngayong kasisimula pa lamang ng tag-ulan.
Paalala rin ng tanggapan ang aktibong koordinasyon sa mga health authorities upang makaiwas sa anumang sakit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments