Wagi bilang 4th Runner-up ang tubong Binalonan Pangasinan na si Victoria Repollo Inglis sa katatapos na Miss Eco International 2025.
Bagamat siya ay kumakatawan sa United Kingdom, ipinagmamalaki ng bayan ng Binalonan ang kanyang tagumpay dahil sa kanyang dugong Pilipino.
Ang ina nito ay taga Binalonan Pangasinan at ang ama ay may lahing Ilocano na patunay ng husay ng Isang Pilipino sa mundo ng pageantry.
Nanguna siya sa “Resort Wear Competition” ng kompetisyon at nagpasabog sa kanyang eco costume na gawa sa goma, recycled na plastik, at sako na sumasagisag sa dedikasyon na pangalagaan ang buhay-dagat at umalingawngaw ang kumpas ng mga alon sa ilalim ng dagat.
Ang kanyang pag-abot sa Top 5 ay isang malaking inspirasyon hindi lamang sa buong bansa.
Samantala ang Miss Eco International crown ay nasungkit rin ng pambato ng Pilipinas, si Alexie Brooks kung kayat dalawang Pinay ang wagi sa naturang patimpalak. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨