5 appointee ni Pangulong Duterte, bigong makumpirma ng CA

78

Bigong makumpirma ng Commission on Appointments (CA) ang posisyon ng limang appointees ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

 

Ito ay dahil na rin sa kawalan ng quorum ng CA Committee on Constitutional Commissions na pinamumunuan ni Senator Cynthia Villar matapos na isnabin ng panel ang nakatakda sanang hearing.

 

Nabatid na ngayon araw ang last day ng session ng kongreso at huling araw na rin ng plenary session ng CA.


 

Bunsod nito, hanggang June 30, 2022 na lang sa posisyon sina:

 

  1. COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan
  2. COMELEC Commissioner George Erwin Garcia
  3. COMELEC Commissioner Aimee Torrefranca-Neri
  4. COA Chairperson Rizalina Noval Justol
  5. Civil Service Commission Chairman Karlo Alexei Nograles

 

Kasabay nito, sabi naman ni Senate Minority Leader Franklin drilon na maaari pa rin silang ire-appoint ng susunod na pangulo.

Facebook Comments