5, arestado sa Parañaque dahil sa iligal na droga

12

Parañaque City – Arestado ng 5 katao sa magkakahiwalay na operasyon ng Parañaque Police.

Unang naaresto ang isang Edison Arias, 35 anyos at Junior Reynaldo, 19 makaraang itawag sa Parañaque police ng isang concerned citizen na nagsasagawa ng pot session ang mga suspect sa Hontiveros Compound, barangay San Antonio, Parañaque City.

Nakuha sa pangangalaga ng mga ito ang 1 plastic sachet ng hinihinalang shabu, 1 sachet ng marijuana, 2 improvised totter, 2 lighters, 2 aluminum foil.

Sa isang buy bust operation naman sa Barangay Sto Niño, Parañaque City, naaresto ang mga suspect na sina Airen Masukat, 21 anyo; at Jocelyn Akmad, kung saan nakuha sa mga ito ang 1 plastic sachet ng hinihinalang shabu at 1 libong pisong marked money.

Habang sa isa pang buy bust operation sa Baclaran, naaresto rin ang suspect na si Geraldine Soriano, 37 anyos, kung saan nakuha naman mula dito ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu at 300 pisong buy bust money.

Nahaharap ngayon ng mg suspect sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments