5 barangay, iikutin ng mobile palengke sa Pasig City ngayong araw

47

Nagsimula ng umikot ngayong araw, kung saan 5 Barangay ang iikutan ng Mobile Palengke sa lungsod ng Pasig na nagsisimula kaninang alas 8 ng umaga.

Ito ay para mabawasan ang mga dumadagsa sa Pasig Mega Market at Talipapa at matiyak na mapapanatili ang Social Distancing.


Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, mga karne, gulay, bigas at iba pang pagkain ang laman ng Mobile palengke.

Para sa Schedule ngayong araw, iikot ito sa:

  • Purok 4 Banaag St sa Barangay Pineda
  • Rosemarie lane sa Barangay Kapitolyo
  • Mejia St sa Barangay Bagong Ilog
  • Tambakan sa Barangay San Miguel at
  • Ilugin 1 at 2 sa Barangay Pinagbuhatan

Paliwanag ni Mayor Sotto, malaki ang operasyon na ito at hindi agad mapeperpekto kaya naman humingi rin sya ng pang-unawa dahil aabutin ng 7 araw bago maikutan ang lahat ng mga Barangay sa Pasig.

Facebook Comments