5 bata nalunod sa San Carlos City, 3 patay at 2 iba pa pinaghahanap

174

San Carlos City, Pangasinan – Patay ang tatlong bata matapos malunod sa Agno River sa Brgy. Salinap, San Carlos City. Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Jaymark Zuniga, 1-taong gulang, Jaypee John Lacaba, 11-taong gulang at si Sheryl Tismo habang pinaghahanap pa din ang dalawa na sina Dionisio Lacaba at Raymart Peralta.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP San Carlos nagkayayaan ang mga magkakaibigan na ito na maligo sa naturang ilog ng hindi mapansin at mapadpad sa malalim na parte dahilan para sila ay malunod. Sinagip ito ng mga nakakita upang maitakbo ang tatlong biktima sa ospital ngunit dineklara ding dead on arrival.


Samantala, humingi na ngayon ng tulong ang City Disaster Risk Reduction Management Office ng nasabing bayan sa kinauukulan upang mapabilis ang retrieval operations sa dalawa pang nawawala.

Facebook Comments

From Advertisers