5 drug suspects, arestado sa Quezon City

Quezon City – Timbog ang limang drug suspect sa ikinasang drug buy bust operation sa tatlong barangay sa lungsod ng Quezon.

Napag-alaman sa QCPD station 11 na ang tatlong suspek ay naaresto sa Barangay Tatalon.

Ang mga ito ay kinilalang sina Jaime Viado, 35-anos; Ricky Galang, 48-anyos; at Analyn Flores, 33-anyos.


Habang sa Barangay Martin De Porres ay naaresto si Pope Jaylord Dollente, 33-anyps, habang gumagamit umano ng droga.

Sa Barangay Doña Imelda ay naaresto naman ang isa pang suspek na si Martin Ramos Dela Rosa, 31-anyos.

Nakumpiska sa mga suspek ang ilang sachet ng shabu, drug paraphernalia, at buy-bust money.

Kasong paglabag sa Republic Act no. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay inihahanda ng QCPD laban sa mga suspek na ngayon ay mga nakikipagsisikan sa kulungan.

Facebook Comments