5 katao, patay sa magkasunod na suicide bombing sa Indonesia isang araw bago ang Ramadan

Indonesia – Patay ang limang (5) katao sa magkasunod na suicide bombing sa Jakarta, Indonesia isang araw bago ang Ramadan.

Kabilang sa nasawi ang dalawang suicide bomber at tatlong pulis habang sampung iba pa ang sugatan.

Ayon sa otoridad, posibleng isa itong terror attack ng mga hinihinalang miyembro ng Jemaah Islamiyah na sumusuporta sa ISIS.


Samantala, limang katao rin ang patay sa car bomb explosion sa Mogadishu, Somalia kung saan itinuturing suspek ang grupong al-shabaab na supporter din ng ISIS.
DZXL558

Facebook Comments