5 lalaki arestado sa drug buy-bust operation sa Pasig City

54

Huli ang limang kalalakihan sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) sa Javier Compound, Purok 2, Brgy. Rosario, Pasig City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), ang limang kalalakihan ay kinilalang sina Von Ryan Manaysay, 35-anyos; Lester Reyes, 34-anyos; Monsour Macostag, 28-anyos; Francisco Santos, 53-anyos; at Luis Javier, 53-anyos.


Sila ay kasama sa EPD Unified Watch list.

Narekober sa mga suspek ang nasa 1.9 grams ng shabu na may halagang 12, 920 at 3.5 na gramo ng dried marijuana leaves.

Nahaharap na sila ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments