5 milyong pisong halaga ng shabu, nasabat ng PDEA sa Cebu City

178

Cebu City – Nasa limang milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang drug pusher sa Cebu City.

Naaresto sa operasyon ang na si Norman Cristobal habang nakatakas ang misis niyang si Jovelyn.

Ayon kay PDEA-7 spokesperson Leia Albiar, target ng operasyon si Jovelyn na ilang buwan nilang isinasailalim sa surveillance.


Nakakulong na si Norman at nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang tinutugis pa ang kanyang misis.

Facebook Comments