5-minute trip mula Cubao patungong Makati, posible – MMDA

Posible ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na aabutin na lang ng limang minuto ang biyahe mula sa Cubao sa Quezon City hanggang Makati pagsapit ng Disyembre.

Ayon kay MMDA EDSA Traffic Manager Bong Nebrija, makakaya ito kung ang tinatawag na point of reference ay ang dulo ng Cubao hanggang sa Guadalupe area.

Aniya, nasa lima punto tatlo hanggang lima punto limang kilometro lang ito.


Pagtitiyak ni Nebrija, nakaantabay lang sila sa magiging direktiba ng Department of Transportation (DOTr) kung paano ito maisasakatuparan.

Gayunman, mangyayari lamang aniya ang nais ng Pangulo kung ang lahat ay makikipagtulungan maging ang publiko.

Facebook Comments