5 patay sa landslide sa Nueva Vizcaya

76

Nasawi ang limang residente matapos matabunan ng gumuhong lupa sa Barangay Runruno, Bayan ng Quezon sa lalawigan ng Nueva Vizcaya kasabay ng pananalasa ng Bagyo Ulysses.

Sa inisyal na impormasyon ng Police Regional Office 2, alas-4:00 ng hapon nang magkaroon ng pagguho ng lupa sa tatlong sitio kung sa natabunan ang ilang bahay.


Dito na natagpuan ang mga biktima, kabilang ang tatlo sa Sitio Bit-ang, isa sa Sitio Kinalabasa, at isa sa Sitio Compound.

Pinaghahanap naman ang siyam na residenteng nawawalan kung saan anim ay mula sa Sitio Bit-ang habang tatlo ay sa Sitio Compound.

Facebook Comments