5 patay sa pananalasa ng Bagyong Ulysses sa Bicol Region

Umabot na sa limang indibiduwal ang namatay sa Bicol Region dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Sa datos ng Office of Civil Defense Region 5, apat ang naitalang namatay sa Camarines Norte habang isa sa Camarines Sur.

Umakyat naman sa walo ang bilang ng mga nasugatan kung saan lahat ay naitala sa Camarines Norte.


Apat ang naitalang nawawala sa rehiyon, kabilang ang tatlong naunang nawawala sa Camarines.

Nasa 66,535 residente ng rehiyon ang lumikas at 58,003 ang nananatili sa evacuation centers.

Nakapagtala naman ng 21 landslide sa 11 bayan sa rehiyon.

Facebook Comments