5, patay sa shooting incident sa Illinois, USA

Patay ang limang tao matapos mamaril ang isang lalaki sa isang industrial building sa Aurora, Illinois, USA.

Naganap ang pamamaril sa 641 Archer Avenue pasado alas-dos ng hapon (US time).

Agad namang naaresto ng mga pulis ang suspek na hindi muna pinangalanan dahil sa patuloy na imbestigasyon.


Bago maaresto ang suspek, isinara pa ang mga paaralan malapit sa lugar para hindi na sila madamay.

Nabatid na mayroong 201,000 na residente sa Aurora.

Facebook Comments