5 pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga, timbog sa isinagawang buy-bust operation sa Marikina City

104

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina City Police Station ang limang pinaghihinalaang drug pusher makaraang magsagawa ng buy-bust operation sa Block 14, Sitaw St., Brgy. Tumana, Marikina City.

Kinilala ang mga suspeck na sina Johari Abantas y Sotto, alyas Mimi, 26 anyos, Moslimah Mudag y Paingco Mosli, 34 anyos, Arnel Bechida y Landicho, alyas Becky, 39 anyos, Julia De Leon y Guinto, alyas Julia, 25 anyos at Marc Railey Caber y Lagto, alyas Totoy, 18 anyos.


Batay sa imbestigasyon ni Police Corporal Domingo B. Dangiwan Jr. ng Philippine National Police, nakumpiska sa mga suspek ang walong pirasong plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 43 gramo na nagkakahalaga ng P292,400, P500 buy-bust money at P600 na pera.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments